Ang Setyembre ay National Catechetical Month. Ang Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ay pinili ang temang “Catechists: Companions of Jesus, Friends of the Poor” para sa selebrasyon ng Taon ng mga Mahihirap.
Ang Banal na Papa na si Pope Francis ay muli na namang nagpahayag na isa sa mga dahilan ng kahirapan sa buhay ay ang kawalan ng kumunidad ng panahon sa kanyang buhay ispirituwal.
Magpasalamat tayo, na sa kabila ng kahirapang dinadanas ng mga Pilipino sa panahon ngayon, ay masasabi natin na ang pananampalataya natin sa Poong Maykapal ay matibay at hindi mapapantayan. Ang mga Pilipino ay buo pa rin ang tiwala at pag-asa sa kabutihan ng Diyos, isang Diyos na gagawin, sa kanyang panahon, ang buhatin tayong lahat upang itaas mula sa ating kapighatian at lungkot.
Salamat sa ating mga katikista, ang mga nagturo at naghatid sa atin ng mga magagandang balita at salita ng Diyos, dahil sa kanilang walang kapagurang pagkukuwento kung gaano tayo kamahal ng Diyos.
Salamat sa kanila, dahil hindi lamang nila itinuro ang pananampalataya natin bilang Kristiyano kundi itinuro nila kung paano maramdaman at maranasan ng iba ang kabutihan ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng paghahatid ng mabuting salita at gawa.
Kailangan natin ngayon ng mga katikista, ang magtuturo ng paniniwala at pananampalataya. Marami pa ring pamilya na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakatatanggap ng tamang edukasyon tungkol sa pananampalataya ng Kristiyano. Kaya nga kamakailan ay nanawagan ang Simbahang Katoliko na kinakailangang maibalik at mapaigting ang paghahatid ng mga salita ng Diyos upang marinig ng iba.
Sa taong ito ng mga mahihirap, nag-iimbita ang Simbahan na titigan muli si Hesus na na ipinako sa krus at isalamin ang mga paghihirap at sakripisyo ng ating mga kapatid. Ang mga mahihirap ay hindi lamang materyal na bagay ang kulang kundi kailangan din nilang pagyamamin ang paniniwala sa Diyos.
Kaya iniimbitahan natin ang lahat na suportahan ang pag-aaral ng ebanghelyo at ang katekismo sa ating bansa. Kinakailangang maranasan ng mga mahihirap ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga programa ng ebanghelyo. Gayundin, himukin ng mga mahihirap ang iba na sumama sa mga pagtuturo at pangaral kung tayo ay bubuo ng matibay na disipulo ni Hesus.
Sana sa pagdiriwang natin ng catethecial month ay maging inspirasyon upang suportahan natin at maging bahagi tayo ng mga ginagawang pagtuturo o ebanghelyo ng Simbahan. Sana ang lahat ng Kristiyano ay maging kaagabay ni Hesus, ang kaibigan ng mga mahihirap.

Post a Comment

 
Top